|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Singapore ngayong araw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na magsisikap ang Tsina kasama ng komunidad ng daigdig para magkakasamang harapin ang hamon.
Dumalo at bumigkas ng mahalagang talumpati nang araw ring iyon ang pangulong Tsino sa ikalawang yugtong pulong ng ika-17 di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa kaniyang talumpati, iminungkahi ni pangulong Hu na isagawa ng iba't ibang ekonomy ang mas matatag at mabisang hakbangin at magsikap sa larangan ng pagpapasulong ng konsumo at pagpapalawak ng pangangailangang panloob at buong tatag na pangalagaan ang makatarungan, malaya at bukas na sistema ng kalakalang pandaigdig at pamumuhunan at buong tatag na pasulungin ang komprehensibong paglaki ng kabuhayang pandaigdig; kasabay ng pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan, dapat pabutihin ang estruktura ng enerhiya at pasulungin ang pagbabago ng industriya at puspusang paunlarin ang green economy at pasulungin ang sustenableng pag-unlad; dapat isaalang-alang ang kapakanan at pangangailangan ng mga maunlad at umuunlad na kasapi para mapasulong ang balanseng paglaki.
Tinukoy pa ng pangulong Tsino na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan at aktibong nilalahukan ng Tsina ang kooperasyon ng APEC sa iba't ibang larangan. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa kooperasyon sa APEC, napapasulong ng Tsina ang sariling pag-unlad, at nakakapagbigay ito ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyon at buong daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap para makapagbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng may harmoniyang daigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |