Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakahandang pasulungin kasama ng iba't ibang panig ang kabuhayang pandaigdig

(GMT+08:00) 2009-11-15 16:08:30       CRI

Ipininid sa Singapore ngayong araw ang ika-17 di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Sa kaniyang talumpati, nanawagan si pangulong Hu Jintao ng Tsina sa ib't ibang panig na magkakasamang magsikap para mapatatag ang tunguhin ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig at mapasulong ang balanse at maayos na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, at ipinahayag niya ang kahandaang magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para magkakasamang harapin ang hamon at makapagbigay ng ambag para sa sustenable at balanseng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

May dalawang yugto ang ika-17 di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC. Sa unang yugto ng pulong na idinaos kahapon, nagpalitan ang mga lider ng APEC ng kuru-kuro hinggil sa temang "palalimin ang pag-uugnayang panrehiyon", at sa ikalawang yugto ng pulong naman ngayong araw, tinalakay ng iba't ibang panig ang hinggil sa, pangunahin na, kung panong "mapapasulong ang sustenableng paglaki". Sa unang yugto ng pulong, bumigkas ng talumpati si pangulong Hu hinggil sa pagkatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at nanawagan siya na pataasin ang lebel ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig at pigilin ang proteksyonismong pangkalakalan. Sa pulong ngayong araw, nagharap ang pangulong Tsino ng paninindigan hinggil sa pagpapatatag ng tunguhin ng pag-ahon at pagpapasulong ng balanse at maayos na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

Sa kaniyang talumpati, tinukoy ni Hu na ang malalim na epektong dulot ng pandaigdigang krisis na pinansiyal at mga isyung pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima at seguridad ng pagkain-butil, ay nagdulot ng mahigpit na hamon sa komprehensibong pag-ahon ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko at daigdig at sa pangmalayuang pag-unlad. Sa kasalukuyan, dapat aniyang igiit ang ideya ng pagbubukas at kooperasyon at magkakasamang magsikap para mapatatag ang tunguhin ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig at pasulungin ang balanse at maayos na paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Umaasa ang pangulong Tsino na mapapanatili ng iba't ibang ekonomy ng APEC ang pagkakasunod at katatagan ng macro-economy policy at magsasagawa ng mas matatag at mabisang hakbangin para mapasulong ang konsumo at mapalawak ang pangangailangang panloob. Kasabay ng pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan, dapat pabutihin ang estruktura ng enerhiya at pasulungin ang pagbabago ng industriya at paunlarin ang green economy. Sa proseso ng paghahanap ng sustenableng poaglaki, dapat ipagkaloob ng mga maunlad na kasapi ang tulong sa mga umuunlad na kasapi.

Kaugnay ng pagsasakatuparan ng paglaki ng kabuhayan, binigyang-diin ni pangulong Hu na dapat pataasin ang kalidad ng pag-unlad ng kabuhayan at pataasin ang lebel ng paghanap-buhay sa buong lipunan at puspusang lutasin ang problemang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Hinggil sa isyu ng pagpapasulong ng balanseng paglaki, nanawagan ang pangulong Tsino sa mga maunlad na kasapi na isakatuparan ang kanilang pangako para sa mga umuunlad na kasapi. Kasabay nito, ipinalalagay niyang dapat tulungan ng mga pandaigdigang organong pinansiyal ang mga umuunlad na kasapi sa pagpapanatili ng katatagan ng pinansiya, pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at pagpapalakas ng kakayahan sa pagharap sa krisis.

Sa kaniyang talumpati, ipinahayag pa ni Hu Jintao na pinahahalagahan at aktibong nilalahukan ng Tsina ang kooperasyon ng APEC sa iba't ibang larangan. Inulit din niya ang kahandaan ng Tsina na patuloy na magsikap para mapasulong ang pagtatatag ng may harmoniyang daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>