Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ni Pangulong Hu sa Malaysiya't Singapore, mabunga

(GMT+08:00) 2009-11-16 09:37:23       CRI

Tinanong ko ngayong umaga ang isang kaibigang Pinoy sa aming pag-uusap sa telepono kung kumusta na ang kalagayan ng mga lugar at mamamayang Pilipino na sinalanta ng bagyo at baha at sabi niya sa akin na bumubuti ang lahat at ito ang inaasahan at idinadalangin ko dito sa Beijing kung saan palamig nang palamig. Mabuti na lamang na walang nararanasang taglamig ang mga nabiktimang Pinoy.

Nitong nagdaang linggo, bumisita si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Malaysiya't Singapore at lumahok din sa ika-17 Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Kaugnay ng mga natamong bunga ng biyahe ni Pangulong Hu, kinapanayam ng mamamahayag si G. Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina, isa sa mga miyembro ng entorahe ng pangulong Tsino.

Sinabi ni Ministro Yang na salamat sa biyahe ni Pangulong Hu, naiangat na sa bagong lebel ang estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Malaysiya at ang pagtutulungang pangkaibiga't may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina't Singapore.

Sa kanyang pagdalaw sa nasabing dalawang bansang Asean, inilahad ni Pangulong Hu ang hinggil sa mga isinasagawang hakbangin ng Tsina bilang tugon sa pandaigdigang krisis na pinansyal. Ipinalagay naman ng mga lider ng dalawang bansang Asean na titingkad pa ang papel ng Tsina sa "post crisis era" at anila pa, ang matatag, masigla at masaganang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay makakatulong sa muling pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

Ang pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ay isa sa mga pangunahing paksa ng katatapos na ika-17 APEC Summit. Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Hu na dapat manangan pa ang iba't ibang panig sa bukas na pagtutulungan, mutuwal na kapakinabangan at komong pag-unlad para masamantala ang magandang tunguhin ng muling paglago ng kabuhayang pandaigdig at sa gayon, mapasulong ang balanse at maayos na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Inulit din ni pangulong Hu ang hangarin ng panig Tsino na magsisikap pa, kasama ng komunidad ng daigdig para malabanan ang krisis na pinansyal.

Sa kanyang mga talumpati sa iba't ibang okasyon, ipinagdiinan ni Pangulong Hu ang pagtutol ng panig Tsino sa proteksyonismo at ang pagsuporta sa multi-lateral trade regime. Tungkol naman sa Doha Round Talks, sinabi ng pangulong Hu na sa pagpapatupad ng mga natamong bunga rito, dapat ding buong-sikap na lutasin ang mga iniwang isyu.

Sa okasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng APEC na natatapat sa taong ito, iniharap din ng pangulong Tsino ang mga mungkahi hinggil sa pag-unlad ng organisasyong ito sa hinaharap na gaya ng pagpapasulong ng episyensiya ng pagtutulungan ng mga kasapi, pagpapasulong ng liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pagpapayabong ng pagtutulungan ng teknolohiyang pangkabuhayan. Upang mapasulong ang pag-unlad ng APEC, ipinatalastas ni Pangulong Hu na maglalaan ang pamahalaang Tsino ng 10 milyong dolyares para mailunsad ang pondong pangkooperasyon ng Tsina't APEC. Nanawagan din ang pangulong Tsino sa iba't ibang panig na patuloy na katigan at lahukan ang mga aktibidad na nasa ilalim ng APFnet, Asia-Pacific Network for Sustainable Forest Management and Rehabilitation.

Dumalo rin si Pangulong Hu sa breakfast discussion hinggil sa pagbabago ng klima kung saan nanawagan siya sa iba't ibang panig na totohanang baguhin ang mga hangaring pulitikal tungo sa pagiging isang lakas na magpapasulong ng proseso ng talastasan para makapagtamo ng positibong bunga ang gaganaping Copenhagen Climate Conference 2009.

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>