Ipinahayag kahapon ni Liang Guixuan, pangalawang puno ng Departamento ng Kalakalang Panlabas at Kooperasyong Pangkabuhayan ng Lalawigang Guangdong sa timog Tsina, na ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay makakalikha ng win-win situation sa mga bahay-kalakal at mamamayan ng kapwa panig.
Ipinalalagay niyang magdudulot ang sonang ito ng positibong epekto at bunga sa tatlong aspekto na kinabibilangan ng paglaki ng pagluluwas at pag-aangkat ng dalawang panig, prospek ng pamumuhunan sa isa't isa at pag-unlad ng kani-kanilang mga sektor ng serbisyo, lalung-lalo na ng lohistika.
Salin: Liu Kai