|
||||||||
|
||
Sina Lito, reporter ng CRI at Joselito Jimeno, Consul-General ng Pilipinas
Nang kapanayamin kamakailan sa Guangzhou, ipinahayag ni Joselito Jimeno, Consul-General ng Pilipinas sa Guangzhou ng Tsina, na ang pagtatatag sa unang araw ng susunod na taon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean o CAFTA ay makakapaghatid ng napakalaking pagkakataong komersyal sa Tsina at Pilipinas at ang Pilipinas ay magiging isa sa mga bansang pinakamalaki ang matatamong benepisyo.
Nagpahayag pa si Jimeno ng pananalig na lilikhain ng CAFTA ang win-win situation sa kapuwa panig at malaking mapapasulong ang paglaki ng bilateral na kalakalan ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina't Pilipinas.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |