Ipinahayag kahapon sa Nanning ni Ma Biao, tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, na itatatag sa nakatakdang petsa ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA at ito ay palatandaan sa pagpasok sa bagong yugto ng pagbubukas ng Guangxi.
Isinalaysay ni Ma na ang 9 na taong konstruksyon ng CAFTA ay nagdulot ng positibong epekto sa Guangxi at mabilis na lumaki ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng Guangxi at ASEAN. Ipinalalagay niyang ang pagsasakatuparan ng pagtatatag ng CAFTA ay isa pang malaking pagkakataong pangkaunlaran ng Guangxi.
Anya pa, sasamantalahin ng Guangxi ang pagkakataong ito, aktibong haharapin ang hamon at pabibilisin ang sariling pag-unlad.