Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International o CRI, ipinahayag ni Joselito A.Jimeno, Consul General ng Pilipinas sa Guangzhou ng Tsina, na sa unang araw ng susunod na taon, komprehensibong maitatatag ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA. Ito'y magdudulot ng malaking pagkakataong komersyal para sa dalawang bansa at makikinabang dito nang malaki ang Pilipinas.
Naniniwala anya siyang tiyak na makakapagpasulong ang CAFTA sa paglaki ng kalakalan ng dalawang panig sa pagluluwas at pag-aangkat.
Salin: Ernest