Ipinahayag kahapon sa Wuyi, kilalang bundok sa Lalawigang Fujian sa dakong silangan ng Tsina, ni G. Lin Fei, pangalawang Puno ng Kawanihan ng Turismo ng lunsod na Wuyi, ang pag-asa ng kanyang lunsod na lalahok sa kooperasyong panturista ng Tsina at ASEAN.
Sinabi niya na kung lalahok ang kanyang lunsod sa nasabing kooperasyon, makakabuti ito sa pag-unlad ng pamilihan ng turismo ng kanyang lunsod at makakabuti rin sa pagpapasulong ng pagpasok ng produkto ng turismo ng kanyang lunsod sa pamilihang pandaigdig.
Salin: Ernest