|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ni Nuntawan Sakuntanaga, direktor ng departamento ng talastasan ng ministri ng komersyo ng Thailand, na hindi lubos ang paggamit ng mga patakarang preperensiyal ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) sa iba't ibang bansa, lalong lalo na ang patakaran ng zero tarrif, dapat isagawa ng mga bansa ang hakbangin para malutas ang isyung ito.
Winika ito ni Nuntawan Sakuntanaga sa kanyang paglahok sa porum ng CAFTA.
Napag-alaman, sa CAFTA, kung gustong mag-enjoy ng preperensiyal na patakaran ng zero tariff ng pagluluwas ng mga paninda, dapat padalhan ng mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa ang sertipiko ng orihinal ng kanilang produkto at i-aplay ang pagbabawas ng tripa sa pagpasok sa import countries. Ngayon, hindi lubos ang pagkaunawa ng mga bahay-kalakal sa patakarang preperensiyal at hindi lubos ang paggamit ng sertipiko.
Salin: Sissi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |