|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ni Zhu Xinqiang, pangalawang GOB ng Export-Import Bank of China, EIBC, na ibayo pang palalawakin ng kanyang bangko ang tulong na pangkaunlaran at ang pagkatig ng pautang sa rehiyong ASEAN para makalikha ng pagkakataong komersyal sa pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Sa porum ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) na idinaos nang araw ring iyon, ipinahayag ng nasabing namamahalang tauhan na hanggang noong ika-3 kuwarter ng nagdaang taon, umabot sa 74 na bilyong dolyares ang kabuuang pautang na ipinagkaloob ng EIBC sa rehiyong ASEAN. Kinakatigan ng mga pautang ang mga pangunahing proyekto sa lokalidad na gaya ng paggagalugad ng yaman, enerhiya, transportasyon, patubig at iba pa. Bukod dito, itinatag ng EIBC ang fund ng 1 bilyong dolyares na pondong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN para katigan ang konstruksyon ng imprastruktura at kooperasyong pangkabuhaya't panteknolohiya ng mga kompanya ng magkabilang panig.
Salin: Sissi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |