|
||||||||
|
||
si Hon. Margarito B. Teves
Binuksan kaninang umaga sa Nanning ng Tsina ang Porum ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA.
Sa porum na ito, bumigkas ng keynote speech si Hon. Margarito B. Teves, Secretary of the Department of Finance ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ginoong Teves na napakahalaga ng pagkakatatag ng CAFTA at nakakapagbigay ang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas ng kapansin-pansing pagbabago sa Pilipinas. Nagpahayag si Teves ng kanyang pasasalamat sa pagkatig na pinansiyal na ibinigay ng Tsina sa Pilipinas pagkaraang maganap ang bagyong Ondoy noong Setyembre ng 2009 at sa konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas na gaya ng daambakal. Anya pa, maliwanag ang mga pagkokompliment sa pagitan ng mga kasaping bansa ng CAFTA. Nanawagan siya sa mga kasaping bansa ng CAFTA na magkakasamang magsikap para alisin ang kahirapan at mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng buong CAFTA.
Salin: Sissi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |