Nang kapanayamin ngayong araw ng mamamahayag ng China Radio International o CRI, ipinahayag ni Hon Margarito B. Teves, Kalihim ng Pananalapi ng Pilipinas, na ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA ay magdudulot ng aktuwal na kapakanan sa mga bansa. Buong sikap na isinasagawa ng kanyang bansa ang maingat na patakarang pinansiyal para patatagin ang kabuhayan ng bansa at palakasin ang kompiyansa ng mga mamumuhunan ng ibang mga kasaping bansa ng ASEAN sa kanyang bansa.
Naniniwala anya siyang ang CAFTA ay makakabuti sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at magiging kapakipakinabang sa mga mamamayan ng mga bansa.
Salin: Ernest