Ipinahayag kahapon sa Nanning ni Mukhriz Mahathir, pangalawang ministro sa pandaigdig na kalakalan at industriya ng Malaysia, na sasamantalahin ng kanyang bansa ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN para mapalawak ang larangan ng pag-akit sa pondo at mahikayat ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na pumunta sa Malaysia para sa pagsisimula ng negosyo at pagsasagawa ng kalakalan at pamumuhunan.
Sinabi rin ni Mukhriz na ang import and export processing ay isa sa mga pangunahing larangan ng kooperasyon ng Malaysia at Tsina.
Salin: Liu Kai