Sa Porum ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, nanawagan si Gwendolyn F. Garcia, gobernador ng Cebu sa mga pamahalaang lokal ng Tsina at mga bansang ASEAN na magpatingkad ng kanilang bentahe at aktibong lumahok sa konstruksyon ng CAFTA para makinabang ang kanilang mga mamamayan.
Naniniwala aniya siyang ang pagsasakatuparan ng kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng mga pamahalaan ng dalawang bansa sa iba't ibang antas sa aktuwal na pagsasagawa ng kooperasyon at pagtitiwalaan sa mga larangan ng kultura at kabuhayan para maisakatuparan ang kooperasyon ng buong CAFTA sa lahat ng mga larangan.