|
||||||||
|
||
Ipininid ngayong umaga sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, ang Forum on China-Asean Free Trade Area o FOCAFTA, kung saan, ipinalabas ang pahayag ng tagapangulo.
Ayon sa pahayag, pahihigpitin ng Tsina't mga bansang Asean ang kanilang pagtutulungang pangkabuhayan, pangkalakalan at pampuhunan para magkakasamang makalikha ng kasaganaang pangkabuhayan ng rehiyon.
Binasa ni Zhang Ke'ning, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang pahayag
Anito pa, dapat buong-higpit na tupdin ng magkabilang panig ang kanilang obligasyon batay sa mga kaukulang kasunduan ng CAFTA at hikayatin ang mga bahay-kalakal sa rehiyon na buong-husay na samantalahin ang mga preperensyal na hakbangin, dapat ding ibayo pang magbukas ang mga kasaping bansa ng kanilang pamilihan ng puhunan para maiwasan ang hadlang sa pagpapasulong ng pamumuhunan ng rehiyon.
Nagtalumpati si Subash B. Pillai, opisyal ng Sekretaryat ng Asean
Batay rin sa pahayag, dapat ding pasulungin ng mga kasapi ng CAFTA ang pag-uugnay ng transportasyon ng rehiyon na gaya ng puwerto, paliparan at daambakal. Kasabay nito, dapat ding patuloy na pasulungin ang pagtutulungang sub-rehiyonal na gaya ng Pan-Beibu Bay, Greater Mekong Sub-region at East Asean Growth Area.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |