|
||||||||
|
||
Sapul nang unang araw ng Enero ng taong ito, ang Biyetnam ay nanungkulan bilang tagapangulong bansa ng Asean. At ang ika-16 Asean Summit ay unang Asean Summit na itataguyod ng Biyetnam sa taong ito, sa Hulyo ng taong ito, itataguyod ang pulong na ministeryal ng Asean at porum na panrehiyon ng Asean, at sa Aogosto, idaraos ang pulong ng mga Ministrong pangkabuhayan ng Asean, at sa Oktubre, itataguyod ng Biyetnam ang ika-17 Asean Summit at 10+3 at 10+6 Asean Summit. Ipinahayag kamakailan ni Pham Gia Khiem, pangalawang punong ministro at Ministrong panlabas ng Biyetnam na ang unang Asean Summit sa taong 2010 ay may napakalaking papel para sa pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad ng Asean, at itatakda nito ang patakaran ng patnubay sa kooperasyon sa pagitan ng mga bansang Asean. Ang matagumpay na pagdaraos ng summit na ito ay napakahalaga para sa Biyetnam at Asean, ito ay magiging isang mabuting pagsimula para sa pagsasagawa ng lahat ng akdibidad at tungkulin sa taong ito.
Ayon sa pinakahuling agenda ng summit na ipinalabas ng opisyal ng Biyetnam, bubuksan ang summit na ito sa ika-8 ng buwang ito at ipipinid ito sa ika-9 ng buwang ito. Lalahok sa summit ang mga lider ng 10 bansa ng Asean. Ngunit, naligalig ang kalagayang panloob ng Thailand kaya ang paglahok o hindi sa summit ni Abhisit Vejjajiva ay isang kuwestiyon.
Ang tema ng summit na ito ay:"Towards an ASEAN Community: From Vision to action." Pinaplano ng mga bansang Asean na bubuo ang komunidad ng Asean sa taong 2015, at ang taong ito ay masusing taon para sa pagbuo ng komunidad ng Asean. Sa Asean Summit na ito, itatakda ng mga bansang Asean ang direksyon ng pagsisikap at igagarantiya para isagawa sa angkop na panahon ang mga proyektong pangkooperasyon at plano sa ilalim ng framework ng Asean, bagay na makapagbibigay ng mas malaking puwersang tagapagpasulong para sa Asean at pabibilisin ang pagsasakatuparan ng target ng pagbuo ng komunidad ng Asean sa taong 2015.
At sa summit na ito, tatalakayin at lalo pang isasakatuparan ng mga lider ng mga bansang Asean ang Asean Chater para pabilisin ang proseso ng konstruksyon ng komunidad ng Asean.tatalakayin ang mga tema tulad ng papel ng Asean sa kayariang panrehiyon, recovery ng kabuhayan at sustenableng pag-unlad, tema ng paghaharap sa krisis na pandaigdig na tulad ng pagbabago ng klima at iba pa. Magpapalitan ang mga lider ng mga bansang Asean ang palagay hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na komong pinahahalagahan. Tinatayang sa summit na ito, ipapalabas ang Deklarasyon ng mga lider hinggil sa rekonstruksyon ng kabuhayan at sustenableng pag-unlad, at Deklarasyon hinggil sa kooperasyon para harapin ang pagbabago ng klima. At ang naturang mga dokumento ay magiging pundasyon ng mga bansang Asean para lalo pang palalakasin ang kooperasyon at harapin ang komong hamon.
Ipinahayag ni Pham Gia Khiem na ang summit na ito ay isang mainam na pagkakataon para sa Biyetnam na magdispley ng masagana at matatag na imahe ng bansa na mayaman sa kasaysayan at kultura. At ayon pa sa ulat, sa kasalukuyan, mahigit 600 mamamahayag sa loob at labas ng Biyetnam ay lalahok sa pag-kokober ng Asean Summit na ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |