Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Asian leaders, tinalakay ang isyu ng green recovery ng kabuhayan ng Asya

(GMT+08:00) 2010-04-16 09:28:46       CRI
Sa taunang pulong ng taong ito ng Bo'ao Forum for Asia, malalimang tinalakay ng mga kalahok na lider sa loob at labas ng Tsina ang hinggil sa isyung kung paaanong maisasakatuparan ang green recovery ng buahayan sa panahon ng post-krisis na pinansiyal ng mga bansang Asyano. Nagharap ang mga lider ng mga mungkahi at ideya. Nagsisikap sila para makatatahak sa landas ng green development at sustenableng pag-unlad na angkop sa tunguhin ng panahon at may katangiang Asyano.

Walang duda, sa proseso ng bagong round ng globalisasyon, ang kabuhayan sa mga bagong sibol na bansa sa Asya ay nasa yugto ng mabilis na pag-unlad. Ngunit, patuloy din lumalaki ang presyur na nararamdaman ng mga bansang ito sa kapaligiran at yaman.

Ang Tsina ay isang malaking bansang pangkabuhayan sa Asya. Nitong mahigit 30 taong nakalipas, naisakatuparan nito ang sustenableng mabilis na taunang paglaki na 9.8%. Ngunit kasabay nito, naging malaki ang presyur ng kapaligiran at yaman sa pag-unald. Para rito, aktibong binago ng Tsina ang ideya ng pag-unlad at pinasulong ang walang humpay na pagpapabuti ng landas at modelo ng pag-unlad ng bansa. Sa pulong ng seremoniya ng pagbubukas ng taunang pulong sa taong 2010 ng Bo'ao Forum for Asia, ipinahayag ni Xi Jinping, pangalawang pagnulo ng Tsina, ang pagpapahalaga ng Tsina sa green development at sustenableng pag-unlad. Sinabi niya:

"Sa larangan ng pagsasakatuparan at pagpapasulong ng green development at sustenableng pag-unlad, nagkakaisa ang Tsina sa praktika at teorya."

Ipinahayag ni Xi na para maisakatuparan ang green development at sustenableng pag-unlad ng Asya at daigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ang iba't ibang bansa, sa aspekto ng pagbabago ng paraan ng pag-unlad, para maisakatuparan ang green development: mataas na pagpapahalaga ng teknolohiya para makatigan ang inobasyon at pag-unlad; pagpapanatiling pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, para walang humpay na maisakatuparan, ang may harmoniyang pag-unlad, at iba. Sinabi niyang:

"Ang green development at sustenableng pag-unlad ay tunguhin ng kasalukuyang daigdig. Para maisakatuparan ito, nakahanda kaming magsikap kasama ang iba't ibang bansa ng daigdig."

Ang tema ng taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asiya sa taong ito ay "green recovery: realistikong pag-pili ng sustenableng pag-unlad ng Asya". Lumahok sa forum ang mahigit 2000 panauhin na kinabibilangan ng mga opisyal ng pamahalaan ng mga bansa ng Asya at mga personahe ng sirkulo ng bahay-kalakal.

Ipinahayag ni Jose Luis Guterres, pangalawang punong ministro ng East Timor, na nagkaloob ang Bo'ao Forum for Asiya ng mahalagang pagkakataon para maisulong ang pagsasakatupran ng mga bansang Asyano ng green development. Sinabi niyang;

"Ipinagkaloob ng Bo'ao Forum For Asia ang isang napakahalagang pagkakataon para matalakay namin dito ang mga isyung may kinalaman sa pagpapalakas ng kooperasyon sa rehiyong ito."

Ipinahayag din ni Choummaly Sayasone, pangulo ng Laos, ang isyu ng kapaligiran at pagbabago ng klima ng buong mundo ay naging isang tema na binibigayan ng mas malaking pansin ng sangkatauhan. Batay sa prinsipyo ng common but different responsibilities, dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang mataimtim at mahigpit na kooperasyon.

Salin: Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>