Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CAFTA, makakabuti sa pag-unlad ng usapin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap

(GMT+08:00) 2010-07-16 17:33:38       CRI

Kasiya-siyang natapos kahapon sa Guilin ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang ika-4 na porum ng Tsina't Asean hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng kahirapan. Tinalakay sa porum na may temang "malayang kalakalan at pagbabawas ng kahirapan" ang hinggil sa pagkakataon at hamong kinakaharap ng iba't ibang bansa sa pagbabawas ng kahirapan nitong nakalipas na kalahating taon sapul nang isaoperasyon ang China Asean Free Trade Area o CAFTA. Ipinalalagay ng mga kalahok na opisyal at iskolar na ang CAFTA ay makakabuti sa pag-unlad ng usapin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.

Paglakad sa mga kalye sa Guilin, makikita ninyo ang iba't ibang produktong agrikultural mula sa Biyetnam, Thailand at iba pang bansang Asean na gaya ng prutas, gulay at karne. Sinabi ng mga manlalako na bunga ito ng serong taripa ng CAFTA. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Ginoong Lu Jianren, mananaliksik ng Chinese Academy of Social Sciences na,

"Batay sa pagbabawas ng taripa ng mga produktong agrikultural, nakakapagpasulong ang kalakalan ng mga produktong agrikultural ng pag-unlad ng industryang agrikultural at paghahayupan ng mga kinauukulang bansa at nakikinabang dito ang mahirap na populasyon sa kanayunan. Kasabay nito, pinasulong ng CAFTA ang paglaki ng kabuhayan at kagalingang panlipunan ng mga kasaping bansa, makakabuti rin ito sa pagpapaibayo ng iba't ibang bansa ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap."

Ipinahayag naman ni Ginoong Misran Karmain, pangalawang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng Asean na ang liberalisasyon ng kalakalan ay magdudulot ng positibong epekto sa pagbabawas ng kahirapan, lalong lalo na, sa kanayunan ng mga bansang Asean.

"Ang unti-unting pagbabawas ng taripa hanggang sa serong taripa ay may pag-asang magpapalawak ng pamilihan ng pagluluwas ng mga kasaping bansa ng Asean, bagay na ibayo pang makakapagpasulong ng kalidad ng produkto at kapakanang pangkabuhayan sa lokalidad at tiyak na magdudulot ng mahalagang impluwensiya sa pagpapabuti ng kondisyong pangkabuhayan ng mga pamilya sa kanayunan."

Isinalaysay ni Ginoong Xu Changwen, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa background ng malaking pagpapababa ng taripa ng produktong agrikultural, isinasagawa ng Tsina't Asean ang malawakang kooperasyon sa larangan ng agrikultura. Anya,

"Pinapasulong ng CAFTA ang paglaki ng kabuhayan at pag-unlad ng usapin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, nagdudulot din ito ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng Tsina't Asean."

Sa tingin ni Ginoong Zhang Kening, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang malayang sonang pangkalakalan ay hindi lamang nagkakaloob ng maraming de-kalidad at murang paninda sa mga mamimili, kundi nagpapataas din ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Ipinahayag ni Ginoong Misran Karmain na salamat sa CAFTA, magtatamasa ang Tsina't Asean ng benebisyong ibinunga ng malayang kalakalan at pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon.

"Nakalikha ang CAFTA ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng Tsina't Asean. Nananalig akong kasabay ng pagsasaayos ng estratehiyang industryal, walang tigil na lalakas ang kakayahang kompetetibo ng industryang lokal at mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal, hihigpit ang kooperasyon ng mga departamentong pampubliko at pribado at ibayo pang uunlad ang integrasyon ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan sa mga lunsod at nayon. Ang mga mamamayan ng mga bansang Asean at Tsina ay makikinabang nang malaki sa CAFTA."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>