Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga babaeng mangangalakal mula sa Tsina't Asean, nagtipon sa Tsina

(GMT+08:00) 2010-09-17 18:50:12       CRI

Ipininid kahapon sa Liuzhou, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang isang-araw na ikalawang China-ASEAN Women Entrepreneurs Start-up Forum na may temang "Pagtutulungan para sa Win-win Situation at Magkakasamang Pag-unlad". Lumahok dito ang mahigit 350 opisyal, mangangalakal at sugo mula sa Tsina't mga bansang Asean. Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa mga kinakaharap na pagkakataon at hamon ng China-Asean Free Trade Area o CAFTA at kung papaanong mapapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga mangangalakal na Tsino at Asean. Nalagdaan din nila ang mga kasunduang pangkooperasyon.

Sa kanyang talumpati sa porum, ganito ang koment ni Gng. Gu Xiulian, Puno ng China-Asean Association, sa papel ng mga babaeng mangangalakal.

"Sapul nang simulang pairalin ang CAFTA noong unang araw ng taong ito, naging mabunga na ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Asean sa iba't ibang larangan na gaya ng kabuhayan, kultura, edukasyon, palakasan at serbisyong medikal. Bilang espesyal na grupo, ang mga babaeng mangangalakal ay nag-aambag din sa pagtutulungang Sino-Asean."

Si Gng. Doan Tuyuet Lan ay isang kinatawang mangangalakal mula sa Biyetnam. Ganito ang koment niya sa katatapos na porum.

"Ikinalulugod kong maparito sa porum na ito sa Guangxi para maibahagi sa mga counterpart sa Tsina at iba pang bansang Asean ang aming karanasa sa pagsisimula ng negosyo at pagpapaunlad ng bahay-kalakal. Kahit masasabing matagumpay kami sa career, marami kaming nararanasang kahirapan. Marami akong natutuhan mula sa mga kalahok na counterpart sa paghawak kapuwa sa career at pamilya. Gusto ko ring mag-ambag para mapasulong ang katulad na pagpapalitan at pagtutulungan ng mga babaeng mangangalakal ng Tsina't Asean."

Noong taong 2008, idinaos sa Liuzhou, Guangxi, ang unang China-ASEAN Women Entrepreneurs Start-up Forum at sapul noon, nagsilbi na itong mahalagang plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng mga babaeng mangangalakal ng rehiyon. Kaugnay ng papel ng porum, ganito ang sinabi ni Phonekham Inthaboualy, Consul-general ng Laos sa Nanning, Guangxi.

"Ito ang aking unang paglahok sa porum na ito at marami akong naranasan at natutuhan. Napakalaki ng papel ng porum sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga babaeng mangangalakal ng Tsina't Asean. Isang bagong tunguhin ngayon na nagsisimula ang mga babae ng sariling negosyo at gumaganap ng napakahalagang papel ang mga babaeng mangangalakal sa pag-unlad ng kani-kanilang bansa. Sa hinaharap man, parami nang paraming mangangalakal mula sa Tsina't Asean ang maaring magpalitan ng kanilang karanasan at magtulungan sa kanilang negosyo sa pamamagitan ng porum na ito."

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>