Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-Asean Expo o CAEXPO, sa gaganaping ika-7 CAEXPO, itatampok ang eksibisyong pang-agrikultura kung saan itatanghal ang mga katangi-tanging katutubong prutas at bulaklak galing sa iba't ibang bansang Asean, Chinese mainland, Taiwan ng Tsina, at mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hongkong at Macao.
Ang agrikultura ay isa sa sampung pangunahing larangang pangkooperasyon ng Tsina't Asean at ito rin ang larangang unang-unang nakinabang sa zero tariff sapul nang simulan ang pagtatatag ng CAFTA, China-Asean Free Trade Area. Nasa parehong yugto ang pag-unlad ng agrikultura ng Tsina't Asean at malaki ang pagkokomplement sa isa't isa ng kani-kanilang produktong agrikultural at tag-ani.
Salin:Jade