Nakipagtagpo ngayong araw sa Nanning si Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, sa mga kalahok ng ASEAN sa ika-7 China ASEAN Expo at China ASEAN Business and Investment Summit na kinabibilangan ng pangalawang pangulo ng Indonesya, pangalawang punong ministro ng Laos, pangalawang punong ministro ng Biyetnam, mga puno ng mga delegasyong pampamahalaan ng Pilipinas, Kambodya, Brunei, Myanmar, Malaysia, Thailand at Singapore at kinatawan ng sekretaryat ng ASEAN.
Salin: Liu Kai