|
||||||||
|
||
Binuksan sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang 5-araw na ika-7 China-Asean Expo o CAEXPO.
seremonya ng pagbubukas ng ika-7 CAEXPO
Idinaraos ang kasalukuyang CAEXPO sa background na naitatag ang China-Asean Free Trade Area o CAFTA ayon sa nakatakdang iskedyul. Upang maipakita ang natamong bunga ng konstruksyon ng CAFTA, bukod sa 4 na umiiral na pokus na gaya ng paninda at kalakalan, pamumuhunan at kooperasyon, sulong na teknolohiya at kaakit-akit na lunsod, itinatatag sa kasalukuyang CAEXPO ang bagong pokus ng kalakalang panserbisyo para mapasulong ang pagpapalitan ng kapuwa panig sa mga larangan ng serbisyo na gaya ng pinansya, logistics at edukasyon.
Jia Qinglin, bumisita sa mga pabilyon sa ika-7 CAEXPO
Bukod dito, itinatayo ng ika-7 CAEXPO ang mga booth para sa mga kilalang bahay-kalakal ng Asean at booth ng pagkain, kahoy at muwebles ng Asean para magkaloob ng ginhawa sa pagbili ng mga mangangalakal ng iba't ibang bansa ng katangi-tanging produkto ng Asean.
Sa panahon ng ika-7 CAEXPO, idaraos ang ika-7 summit ng komersyo at pamumuhunan ng Tsina't Asean na may temang "malayang sonang pangkalakalan at bagong pagkakataon".
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |