|
||||||||
|
||
Sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Binuksan dito kahapon ang ika-7 China-Asean Expo o CAEXPO at ika-7 China-ASEAN Business and Investment Summit o CABIS. Ipinahayag ng panig Tsino na ibayo pang palalakasin ang pakikipagtulungan sa iba't ibang bansang Asean at itatangkilik ang mas katangi-tangi at mas mabisang CAEXPO.
Ang tema ng kasalukuyang 5-araw na CAEXPO ay "malayang sonang pangkalakalan at bagong pagkakataon". Itinatanghal sa ekspong ito ang mga nilalamang may kinalaman sa kalakalan ng paninda, pamumuhunan at kooperasyon, kalakalang panserbisyo, sulong na teknolohiya at kaakit-akit na lunsod.
Sa seremonya ng pagbubukas ng ika-7 CAEXPO, ipinahayag ni Ginoong Ma Biao, tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi na,
"Ang pagkakatatag ng China-Asean Free Trade Area o CAFTA ay bagong pagkakataon para sa Tsina at Asean, maging sa Asya at buong daigdig. Bilang tagapagtaguyod ng CAEXPO at bintana ng pagbubukas ng Tsina sa Asean, nakahanda ang Guangxi na ibayo pang paunlarin, kasama ng iba't ibang panig, ang papel ng CAEXPO, walang humpay na palawakin ang puksyon at kompletuhin ang mekanismo nito, at sa pamamagitan ng pagtatatag ng plataporma ng impormasyon ng Tsina't Asean, patitingkarin ang papel ng CAEXPO para magsilbi itong sentro ng pagpapalitan ng impormasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, kultura at edukasyon, mas mabisang maglingkod sa pag-unlad ng CAFTA at maghatid ng benebisyo sa mga bahay-kalakal at mamamayan ng iba't ibang bansa."
Ipinahayag naman ni Ginoong Gao Hucheng, pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina, na ang pagkakatatag ng CAFTA ay palatandaang pumasok na sa bagong yugto ng komprehensibo't malalimang pag-unlad ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Asean.
"Lubos na ipapakita ng kasalukuyang CAEXPO ang natamong bunga ng konstruksyon ng CAFTA, nagiging mas masagana ang nilalaman nito at magdudulot ng mas maraming benebisyo sa mga bahay-kalakal at mamamayan ng kapuwa panig."
Bilang theme country ng ika-7 CAEXPO, itataguyod ng Indonesya ang mga makukulay na aktibidad para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan nila ng iba't ibang bansa. Ganito ang sinabi ni Ginoong Boediono, pangalawang pangulo ng Indonesya na kalahok sa kasalukuyang CAEXPO.
"Ang CAFTA ay nagiging pinakamahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng bilateral na relasyon ng Tsina't Asean. Ang pagkakatatag ng sonang ito ayon sa nakatakdang iskedyul ay palatandaang pumasok na sa bagong panahon ang estratehikong partnership na pangkooperasyon ng kapuwa panig at ito ring isang bagong milestone sa proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon."
Sa kanya namang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng ika-7 China-ASEAN Business and Investment Summit, binigyang-diin ni Ginoong Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC na,
"Humihigpit nang humihigpit ang pag-uugnayan ng Tsina at mga bansang Asean. Buong tatag na igigiit ng panig Tsino, tulad ng dati, ang patakarang diplomatiko na mapagkaibigang nakikipamuhayan sa mga kapitbansa, palalakasin ang estratehikong pagtitiwalaan nila ng Asean, palalalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palalawakin ang pagpapalitang kultural, pahihigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga mahalagang isyung panrehiyo't pandaigdig at pasusulungin ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng Asya."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |