Iminungkahi kahapon sa Nanning, lunsod ng lalawigang Guangxi sa dakong timog ng Tsina, ng mga eksperto, opisyal at mangangalakal na galing sa sirkulo ng industriya ng lohistiko ng Tsina at mga bansang ASEAN na dapat itatag ang China-ASEAN Logistics Alliance sa lalong madaling panahon para makapagbigay ng mas mainam na serbisyo sa konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Idinaos nang araw ring iyon sa Nanning ang "ika-7 Porum na Pangkooperasyon ng Kabuhayan, Kalakalan at Lohistiko ng Tsina at ASEAN", at nagkaroon ang mga kalahok ng malalimang talakayan hinggil sa kung paanong mapapasulong ang kooperasyon ng kabuhayan, kalakalan at lohistiko sa CAFTA.
Salin: Li Feng