Sa seremonya ng paglalagda sa proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya sa ika-7 China-ASEAN Expo (CAExpo) na idinaos kahapon, 76 na proyekto ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan ang nalagdaan na nagkakahalaga ng halos 3.3 bilyong dolyares, at 96 namang proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan sa loob ng bansa ang nalagdaan na nagkakahalaga ng halos 49.2 bilyong Yuan RMB.
Ipinahayag ng isang opisyal ng CAExpo na may 30 proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN na nagkakahalaga ng 1.15 bilyong dolyares, at ang mga ito ay may kinalaman sa Myanmar, Brunei, Biyetnam, Thailand, Cambodia, Singapore at Malaysia.
Salin: Li Feng