|
||||||||
|
||
Kahapon, sa sentro ng eksibisyon sa Nanning ng Guangxi, idinaos ang paglalagda ng proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan ng ika-7 China Asean Expo, at ang halaga ng nalagdaang kontrata ay lumampas ng 70 bilyong yuan RMB.
Sa seremoniya ng paglalagda ng ika-7 CAExpo, may 76 pandaigdigang proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan na may mahigit 3.2 bilyong dolyares na halaga ng kabuuang pamumuhunan, at 96 na proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan sa loob ng bansa na may mahigit 19.2 bilyong yuan RMB na halaga ng kabuuang pamumuhunan.Ang proyektong pangkooperasyon ay may kinalaman sa industriya ng pagyari, imprastruktura, komunikasyon, enerhiya, telekomunikasyon, paggagalugad sa produktong agrikultural at iba pang larangan.
Ayon pa sa ulat, sa mga nalagdaang proyekto sa ekspong ito, ang proyekto ng kalakalan, komersyo at logistics, at proyekto ng turismo ang naging pokus ng pamumuhunan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |