Napag-alaman kahapon mula sa ika-3 porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagtutulungan at pagpapaunlad ng koryente na idinaraos sa Nanning ng Tsina na ang kooperasyon sa koryente ng Tsina at mga bansang ASEAN ay lilikha ng isang napakalaking pamilihan na ang halaga ay lalampas sa isang trilyong Dolyares.
Ipinahayag sa porum na ito ni Deng Xiaowen, kinatawan ng China Southern Power Grid Co., na malaki ang agwat sa pagitan ng mga bansang ASEAN sa aspekto ng power sources construction at grid construction, kaya napakalaki ng nakatagong lakas ng pamilihan sa mga aspektong ito.
Salin: Liu Kai