Sa pulong ng mga mataas na opisyal ng China ASEAN Expo o CAEXPO na idinaos kahapon ng hapon sa Nanning, tiniyak na ang ika-8 CAEXPO ay idaraos mula ika-21 hanggang ika-26 ng Oktubre ng susunod na taon, ang "kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligiran" ay tema ng gaganaping ekspo nito at ang Malaysia ay "Country of Honor" nito.
Ang susunod na taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, kaya sa ika-8 CAExpo, idaraos ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mga aktibidad ng selebrasyon.
Salin: Liu Kai