|
||||||||
|
||
Lumisan kaninang umaga ng Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina papuntang Hanoi ng Biyetnam para lumahok sa isang serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng lider na Tsino pagkatapos ng ika-5 sesyong plenaryo ng ika-17 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at isang mahalagang aksyong diplomatiko rin ng pangunahing lider ng Tsina sa mga kapitbansa pagpasok ng taong ito.
Mula ngayong araw hanggang samakalawa, idaraos sa Hanoi ang ika-13 pulong ng mga lider ng Tsina't Asean, ika-13 pulong ng mga lider ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea o 10+3, ika-5 summit ng Silangang Asya at pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Dadalo sa naturang mga pulong si premyer Wen at idaraos ang bilateral na pakikipagtagpos sa ilang kalahok na lider ng mga bansa para magpalitan ng kuru-kuro na may kinalaman sa mga isyung panrehiyo't pandaigdig na nilang pinahahalagahan.
Bago ang biyaheng ito, ipinahayag ni Hu Zhengyue, asistenteng ministrong panlabas ng Tsina, na sa panahon ng kanyang biyahe sa Biyetnam, makikipagpalitan ang premyer Tsino sa mga lider ng iba't ibang bansa ng kuru-kuro hinggil sa kung papaanong mapapasulong ang kooperasyon at proseso ng integrasyon ng Silangang Asya, mapapataas ang kakayahan at lebel na kompetetibo at magkakasamang mapangangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |