|
||||||||
|
||
Dumating ng Hanoi, kabisera ng Biyetnam, kaninang hapon si premyer Wen Jiabao ng Tsina para dumalo sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya. Pagpasok sa taong ito, ito ang isang mahalagang aksiyong diplomatiko ng pangunahing lider ng Tsina sa kapitbansa.
Mula ngayong araw hanggang samakalawa, idaraos sa Hanoi ang ika-13 Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN, ika-13 Pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea at ika-5 Summit ng Silangang Asya. Dadalo ang premyer Tsino sa naturang mga pulong at makikipagtagpo sa mga kalahok na lider ng ilang bansa.
Sa bisperas ng biyahe ni Wen, sinabi ni Hu Zhengque, asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na magpapalitan si Wen at ang mga lider ng iba't ibang bansa ng kuru-kuro hinggil sa kung paanong mapapasulong ang kooperasyon ng Silangang Asya at proseso ng integrasyon, pagpapataas ng kompetitibong kakayahan at lebel at magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |