|
||||||||
|
||
Nagtagpo kaninang hapon sa Hanoi ng Biyetnam sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at iba pang isyu.
Sinabi ni Premyer Wen na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Biyetnames, para mapasulong ang pagtatamo ng tagumpay ng serye ng Summit ng Silangang Asya.
Nagpahayag naman si Nguyen ng pagbati sa mga natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at sa matagumpay na pagdaraos ng mga malaking aktibidad na gaya ng 2010 Shanghai World Expo.
Sinabi pa ni Nguyen na ang taong ito ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at taong pangkaibigan ng dalawang bansa. Kaya ito'y may mahalagang katuturan para sa dalawang bansa. Umaasa pa siyang sa pamamagitan ng pagkakataong ito, patuloy na mapapalalim ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |