|
||||||||
|
||
Kinatagpo ngayong gabi (local time) sa Hanoi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina si punong ministro Hun Sen ng Cambodia. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Sa pagtatagpo, sinabi ng premyer Tsino na sa kasalukuyan, ibayo pang umuunlad ang relasyon ng Tsina at Cambodia. Noong taong 2006, ipinasiya ng dalawang bansa na itatag ang komprehensibong partnership, at ito aniya ay nakapagpasulong ng kanilang relasyon sa isang bagong yugto.
Nagpahayag naman si Hun Sen ng pagsang-ayon sa papuri ni Wen sa relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |