|
||||||||
|
||
Sa kaniyang pakikipagtagpo ngayong araw sa Hanoi ng Biyetnam kay PM Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang maayos na paghawak sa isyu ng South China Sea ay napakalahaga para sa pangangalaga sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Wen na naitatag na ang mekanismo ng talastasan sa alitan sa South China Sea sa pagitan ng Tsina at Biyetnam, at umaasa siyang malalagdaan sa lalong madaling panahon ang kasunduang may kinalaman sa pagbibigay-patnubay sa paglutas sa isyung pandagat ng dalawang bansa. Sinang-ayunan ito naman ni Nguyen Tan Dung.
Idinagdag pa ng premyer Tsino na ang pagpapanatili ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Biyetnam ay napakahalaga para sa dalawang bansa at buong rehiyon. Nakahanda aniya ang panig Tsino na panatilihin ang pag-uugnayan nila ng panig Biyetnames sa mataas na antas at palakasin ang pagsasanggunian para maayos na mahawakan ang alitan at mapangalagaan ang komong kapakanan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |