|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam, ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na katulad ng dati, mataimtim na isasakatuparan ng Tsina, kasama ng iba't ibang may kinalamang bansa, ang "Deklarasyon ng Aksiyon ng Iba't Ibang Panig sa South China Sea" para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea at maayos na malutas ang mga bilateral na alitan.
Sa kaniyang pakikipagtagpo kay PM Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, binigyang-diin ng premyer Tsino na ang maayos na paghawak sa isyu ng South China Sea ay napakahalaga para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Sinang-ayunan ito ni Nguyen Tan Dung.
Sa pakikipagtagpo nang araw ring iyon ni PM Hun Sen ng Cambodia kay Wen, ipinahayag ng PM ng Cambodia na naninindigan ang pamahalaan ng Cambodia na dapat lutasin ng mga may kinalamang bansa ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Sinang-ayunan ito naman ni Wen.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |