|
||||||||
|
||
Kinatagpo ngayong araw sa Hanoi ng Biyetnam ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kaniyang counterpart na si Bouasone Bouphavanh ng Laos. Ipinahayag ni Wen na dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagsasanggunian para malagdaan ang plano ng bilateral na kooperasyong pangkabuhayan sa lalong madaling panahon.
Sa pagtatagpo, sinabi ng premyer Tsino na nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang tradisyonal ng pagdadalawan nila ng panig Lao sa mataas na antas at palalimin ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal at estratehiko at palakasin ang pagkokoordinahan at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga mahalagang isyung panrehiyon para magkasamang mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN at ang kanilang komong kapakanan.
Inulit naman ni Bouasone na buong tatag na iginigiit ng kaniyang bansa ang patakarang isang Tsina. Ipinahayag pa niyang ang ibayo pang pagpapalakas ng China-ASEAN Cooperation ay may mahalagang katuturan para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito, at nakahanda aniya ang panig Lao na magsikap kasama ng panig Tsino para rito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |