Sa China ASEAN Summit na idinaos ngayong araw sa Hanoi, Biyetnam, ipinatalastas ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na daragdagan ng kanyang bansa ng 17 milyong Dolyares ang espesyal na pondo ng rehiyonal na kooperasyon ng Asya para mapasulong ang rehiyonal na kooperasyon.
Iniharap din niya ang 6 na mungkahi hinggil sa ika-2 panlimahang taong plano ng aksyon ng Tsina at ASEAN na gaya ng pagsasakatuparan ng sustenable, malusog at mabilis na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, pagtatatag sa lalong madaling panahon ng network na mag-uugnay ng isa't isa, maayos na pagpapasulong ng pagbukas at integrasyon ng pamilihang pinansyal at kapital, pagpapalakas ng kooperasyong agrikultural ng rehiyon, pagdaragdag ng laang-gugulin sa sustenableng pag-unlad at ibayo pang pagpapalalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai