Sa summit ng Tsina, Hapon at Timog Korea na idinaos ngayong araw sa Hanoi, Biyetnam, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat igiit, sa estratehikong antas, ang tumpak na direksyon ng kooperasyon ng tatlong bansa, ipagpatuloy ang diyalogo, palalimin ang pagtitiwalaan at lutasin ang pagkakaiba para walang humpay na mapasulong ang kooperasyon ng tatlong bansa.
Iniharap din ni Wen ang 6 na mungkahi hinggil sa kooperasyon ng tatlong bansa na gaya ng paglalagda sa lalong madaling panahon ng kasunduan sa pamumuhunan ng tatlong bansa, pagpapalakas ng kooperasyon sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, pagsisimula sa lalong madaling panahon ng pagtatayo ng demonstration base ng recycling economy ng tatlong bansa, pagsasakumpleto ng mekanismong pangkooperasyon ng tatlong bansa, pagtatayo ng sekretaryat ng kooperasyon ng tatlong bansa ayon sa iskedyul at iba pa.
Salin: Liu Kai