|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong umaga kay Lee Hsien Loon, Punong Ministro ng Singapore, ipinahayag ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kahandaan ng panig Tsino na samantalahin ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng dalawang bansa para ibayo pang mapaunlad ang bilateral na ugnayan. Kapuwa kalahok ang dalawang punong ministro sa idinaraos na serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa Hanoi, Biyetnam.
Sinabi ni Premyer Wen na sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa noong 2008, inilarawan niya ang relasyong Sino-Singaporean sa tatlong salita na pagkakaibigan, pagtuutlungan at inobasyon. Ipinagdiinan niyang ang relasyon ng Tsina't Singapore ay nagtatampok, lalung lalo na, sa inobasyon at isinusulong ang relasyon sa ilalim ng inobasyon.
Aniya pa, nananatiling napakalaki ang potensyal ng pagtutulungan ng dalawang bansa dahil matibay ang pundasyon ng kanilang pagtutulungan at magkatulad ang tradisyong pangkultura. Muling ipinahayag din ni Premyer Wen ang kanyang kalungktan sa pagkayao ng kabiyak ni Minister Mentor Lee Kuan Yew ng Singapore.
salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |