Sa ika-13 China-Asean Summit na binuksan ngayong araw sa Hanoi, Biyetnam, iniharap ng kalahok na si Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang anim na mungkahi hinggil sa pagpapatupad sa ikalawang panlimahang taong plano ng aksyon ng Tsina't Asean mula sa taong 2011 hanggang 2015.
Ang nasabing mga mungkahi ay kinabiblangan ng pagpapasulong ng sustenable, malusog at mabilis na pag-unlad ng relasyong pangkalakalan at pangkabuhayan ng Tsina't Asean, pagpapabilis ng pagtatatag ng kanilang connection network, maayos na pagpapasulong ng pagbubukas at integrasyon ng pamilihang pinansyal at pamilihan ng kapital, pagpapalakas ng pagtutulungang pangkultura ng rehiyon, pagpapaibayo ng laang-gugulin sa sustenableng pag-unlad at pagpapalalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina't Asean.
Salin: Jade