Sa kanyang paglahok sa Summit ng Asean, Tsina, Hapon at Timog Korea na binuksan ngayong araw sa Hanoi, Biyetnam, inulit ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat manangan sa mekanismo ng 10+3 bilang tsanel ng pagtutulungan ng Silangang Asya.
Aniya pa, maglalaan pa ang Tsina ng 1 milyong dolyares sa 10+3 cooperative fund para mapasulong ang pagtatatag ng free trade area ng Silangang Asya at magbubuhos ng 1 milyong dolyares sa proyekto ng 10+3 hinggil sa pangkagipitang pag-iimbak ng bigas para mapasulong agrikultura ng rehiyon.
Salin: Jade