Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-17 Asean Summit, ipininid; bagong hakbang tungo sa Asean Community

(GMT+08:00) 2010-10-29 19:24:13       CRI

Ipininid kagabi sa Hanoi, Biyetnam, ang ika-17 Asean Summit kung saan pinagtibay ang mga dokumento na gaya ng Master Plan of ASEAN Connectivity at ipinalabas din ang Hanoi Declaration. Masasabing sa pamamagitan ng summit na ito, gumawa na naman ng isa pang hakbang ang mga bansang Asean tungo sa Asean Community.

Sa katatapos na summit, malalimang tinalakay ng mga kasaping Asean kung papaanong mapapahigpit ang kanilang pag-uugnayan at mapapasulong ang kanilang relasyon sa dialogue partners. Sang-ayon silang patuloy na pasulungin ang pagtatatag ng Asean Community at pabilisin ang pagpapatupad ng Asean Charter para mapahigpit ang ugnayan sa loob ng Asean; patuloy na palalimin ang relasyong panlabas ng Asean at tiyakin ang sentral na puwesto ng Asean sa balangkas na panrehiyon at patuloy na pasulungin ang pagtutulungan ng mga kasapi sa pagpapasigla ng kabuhayan pagkaraan ng pandaigdigang krisis na pinansyal, pagtugon sa mga nakahahawang sakit at pagpigil sa mga kalamidad.

Pinagtibay din sa katatapos na summit ang Master Plan of ASEAN Connectivity na naglalaman ng mahigit 700 proyekto at plano na nagkakahalaga ng halos 38 milyong dolyares.

Kaugnay ng relasyong panlabas ng Asean, buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga lider ng Asean na dapat patuloy na palalimin ang kanilang relasyon sa dialogue partners, hanapin ang suporta ng mga ito sa pagtatatag ng Asean Community at itakda ang bagong direksyon ng pagtutulungan sa hinaharap. Sang-ayon din silang anyayahan ang Estados Unidos at Rusya na maging kasapi ng East Asia Summit sapul nang 2011.

Tinalakay rin ng mga lider ng Asean ang gagampanang papel nito sa gaganaping G20 Summit sa Timog Korea kung saan ilalahad ng Asean ang paninindigan na pag-ibayuhin ang pagsisikap para maigarantiya ang sustenable at balanseng pag-unlad, mapatingkad ang papel ng mga umuunlad na economy at repormahin ang pandaigdigang sistemang pinansyal.

Nakapokus din ang katatapos na Asean Summit sa pagpapalakas ng nukleong papel ng Asean sa pagtutulungan ng Silangang Asya.

Kaugnay naman ng serye ng pulong ng Asean at mga dialogue partner nito na gaganapin bukas at samakalawa, magkakasamang magtatalakayan ang mga kalahok hinggil sa pagtugon sa mga epektong dulot ng pandaigdigang krisis na pinansyal, pagbabago ng klima, food security, at pagtutulungan sa mga di-tradisyonal na larangang panseguridad na gaya ng paglaban sa terorismo at transnasyonal na krimen. Ayon sa iskedyul, maliban sa pakikipagpulong sa anim na dialogue partner, makikipag-summit din ang Asean sa Rusya at United Nations ayon sa pagkakasunod para mapalakas ang ugnayang panlabas nito.

Ayon sa mga tagapag-analisa, ang mga mekanismo na itinatag sa mungkahi ng Asean na gaya ng "10+1", "10+3", Asean Regional Forum, East Asia Summit at Pinalawak na Pulong ng mga Ministro ng Tanggulang-bansa ng Asean ay nagpapasulong ng pagbuo ng mga bagong balangkas na panrehiyon.

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>