Binuksan kaninang umaga sa Hanoi, Biyetnam ang ika-5 Summit ng Silangang Asya kung saan tinalakay ng mga lider ng 10 bansang ASEAN at ng kanilang 6 na dialogue partners na ang Tsina, Hapon, Timog Korea, Australya, New Zealand at Indya ang pagtutulungan at pag-unlad ng summit na ito at pagharap sa mga pandaigdig na hamon at isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sa kanyang opening speech sa summit, sinabi ni punong ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na sa kasalukuyang summit, sasariwain ang bunga ng summit nitong 5 taong nakalipas, tatalakayin ang direksyon ng kooperasyon sa darating na ilang taon, palalakasin ang papel ng summit sa pagpapasulong ng diyalogo at kooperasyon ng iba't ibang kalahok na bansa at pabubutihin ang organisasyon at paraan ng pagpapatakbo ng summit.
Sa summit na ito, pagtitibayin ang deklarasyon ng Hanoi kung saan magbibigay ang mga kalahok na lider ng positibong pagtasa sa bunga ng summit at mananawagan para sa patuloy na pagpapalakas ng gawain ng pulong na ito. Titiyakin din sa deklarasyon na mula susunod na taon, ang Rusya at E.U. ay magiging pormal na kasaping bansa na ng summit. Bukod dito, ipapalabas din ang isang pahayag ng tagapangulo ng summit.