|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wen na dapat igiit ang nakatakdang layon, katangian at prinsipyo ng Summit ng Silangang Asya. Sa proseso ng integrasyon ng Silangang Asya, dapat igalang ang namumunong papel ng ASEAN at patingkarin ang papel ng mga umiiral na mekanismo ng ASEAN plus 1, ASEAN plus 3 at Tsina, Hapon at Timog Korea. Nakahanda anya ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang panig, para maiangat sa mas mataas na antas ang kooperasyon ng Silangang Asya.
Iminungkahi rin ni Wen na itayo ang sentro ng Silangang Asya sa pag-aaral at pagtutulungan sa pagharap sa pagbabago ng klima ng rehiyon para mapasulong ang kooperasyon ng iba't ibang bansa sa Silangang Asya sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima.
Sa kasalukuyan, 18 ang mga kasaping bansa ng Summit ng Silangang Asya na kinabibilangan ng 10 bansang ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Indya, Australia, New Zealand, Rusya at E.U..
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |