Idinaos kahapon ng hapon sa Hanoi ang ika-13 Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3".
Ipinahayag ng mga kalahok na lider na magsasagawa sila ng mabisang aksyon para ibayo pang maipatupad ang iba't ibang kasunduan sa kooperasyon ng "10 plus 3", mapalakas ang kooperasyon sa isyu ng pinansya at salapi at mapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kalakalan, pamumuhunan, turismo, konstruksyon ng imprastruktura at iba pang larangan.
Ipinahayag sa summit ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na daragdagan ng kanyang bansa ng 1 milyong Dolyares ang pondo sa kooperasyon ng "10 plus 3" para mapasulong ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Silangang Asya at ipagkakaloob din ang 1 milyong Dolyares sa proyekto ng reserba ng bigas ng "10 plus 3" para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng produksyong agrikultural ng rehiyon.