Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ng premyer Tsino sa Biyetnam, mabunga

(GMT+08:00) 2010-10-31 14:11:26       CRI

Natapos kahapon ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kaniyang pagdalo sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya. Kaugnay ng bunga ng naturang pagdalaw, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina na natamo ng pagdalaw ang target ng pagpapalakas ng pagkakaibigan, pagpapalalim ng rehiyonal na kooperasyon at pagpapasulong ng komong pag-unlad.

Mula noong ika-28 hanggang kahapon, magkakasunod na dumalo si premyer Wen sa pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN, pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, ika-5 Summit ng Silangang Asya at pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Sa 48 oras lamang, magkakasunod na dumalo si Wen sa mahigit 20 mahahalagang aktibidad at bumigkas ng maraming mahalagang talumpati at nagharap ng mga palagay at mungkahi, at malawakang nakipag-ugnayan at malalimang nakipagpalitan siya sa mga kalahok na lider ng iba pang bansa para matapat at obdiyektibong ilahad ang patakarang diplomatiko at paninindigan ng Tsina, at lubos na hinahangaan ang mga ito ng iba't ibang panig.

Kaugnay ng relasyon ng Tsina at ASEAN, malinaw na nagharap ang premyer Tsino ng direksyon at target ng ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig. Nagharap pa si Wen ng mungkahi hinggil sa magkasamang pagsasakatuparan ng ika-2 panlimahang-taong plano ng aksiyon ng Tsina at ASEAN. Sa isyu ng South China Sea, binigyang-diin ni Wen na dapat maayos na lutasin ng mga may kinalamang panig ang isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Tinukoy din niyang dapat magkakasamang magsikap ang iba't ibang may kinalamang panig para mabuting maisakatuparan ang "Deklarasyon ng Aksiyon ng Iba't Ibang Panig sa South China Sea".

Ganap namang kinakatigan ng ASEAN ang mga palagay at mungkahing iniharap ng panig Tsino sa nasabing pulong, at ipinahayag nitong magsikap kasama ng panig Tsino, para patuloy na mapalalim ang kanilang bilateral na relasyon, mapalakas ang kooperasyong pangkaibigan ng iba't ibang may kinalamang panig sa South China Sea at makapagbigay ng bagong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, kooperasyon at kaunlaran sa rehiyon ng Silangang Asya.

Bukod dito, sa panahon ng pulong, nagsagawa rin si premyer Wen ng isang serye ng bilateral na pagtatagpo, at narating nila ng mga lider ng kinauukulang bansa ang maraming mahalagang komong palagay. Sa pakikipagtagpo sa lider ng Biyetnam, binigyang-diin ni Wen na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay napakahalaga para sa dalawang bansa at rehiyong ito, at dapat aniyang panatilihin ng dalawang panig ang kanilang pagdadalawan ng mataas na antas at palakasin ang pag-uugnayan sa iba't ibang antas at palalimin ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal para mapangalagaan at mapasulong ang komong kapakanan. Sa pakikipagtagpo sa PM ng India, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang PM na patuloy na magsikap para mapangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa rehiyong panghanggahan.

Sa panahon ng kaniyang pagdalo sa serye ng pulong, nakipagtagpo si Wen sa mga lider ng Cambodia, Laos, Singapore, Australia at iba pang bansa, at narating nila ang malawakang komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng kanilang bilateral na pagpapalitan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, magkakasamang pagpapasulong ng rehiyonal na kooperasyon at pagpapalakas ng kanilang pagkokoordinahan at pagsasanggunian sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Hinahangaan naman ng mga lider ng iba't ibang bansa ang ginagawang positibo at konstruktibong papel ng Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>