|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon ng hapon sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam, ang ika-17 ASEAN Summit at ang serye ng Summit ng Partner.
Sa isang news briefing na idinaos pagkatapos ng seremonya ng pagpipinid ng Summit, ipinahayag ni Nguyen Tan Dung, PM ng Biyetnam — bansang tagapagpangulo sa summit, na sa naturang summit, tinalakay ng mga lider ng iba't ibang bansa ang hinggil sa mga isyung gaya ng pagpapabilis ng konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN, pagpapaunlad ng relasyong panlabas ng ASEAN, sustenableng pag-unlad at pagharap sa mga hamong pandaigdig. Sinabi pa niyang sa hinaharap, kahaharapin ng ASEAN ang maraming hamon, at sa paunang kondisyon ng pagpapalawak ng mekanismong pangkooperasyon nila ng kaniyang mga dialogue partners, mas aktibong makikilahok ang ASEAN sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at patitingkarin ang mas malaking papel.
Bukod dito, sa kaniyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia — susunod na bansang tagapagpangulo ng ASEAN, na pamumunuan ng kaniyang bansa ang ASEAN sa patuloy na pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad at pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng ASEAN Charter.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |