Ipininid kahapon sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam, ang ika-17 ASEAN Summit at serye ng Summit ng Dialogue Partner. Dumalo sa pulong ang mga lider ng 10 bansang ASEAN at ang mga lider ng anim na dialogue partner na gaya ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand at India, at dumalo rin sa ika-5 Summit ng Silangang Asya sina Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya.
Mula noong ika-28 hanggang kahapon, idinaos sa pambansang sentro ng pulong sa Hanoi ng Biyetnam ang ika-17 ASEAN Summit at serye ng Summit ng Dialogue Partner. Sa tatlong araw na pulong, bukod sa pagdaraos ng serye ng summit ng mga lider ng 10 bansang ASEAN at mga lider ng nasabing anim na dialogue partner, idinaos ang ika-3 ASEAN-UN Summit ng mga lider ng 10 kasaping bansang ASEAN at ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, at idinaos din nila ng Rusya ang ika-2 Summit ng ASEAN at Rusya. Sa seremonya ng pagpipinid ng summit, nagpalabas si PM Nguyen Tan Dung ng Biyetnam ng pahayag ng tagapangulo hinggil sa bunga at kapasiyahan ng nasabing summit.
Salin: Li Feng