|
||||||||
|
||
Sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam. Ipininid dito kamakalawa ng gabi ang 3-araw na serye ng summit ng Asean na kinabibilangan ng summit ng 10 bansang Asean at mga summit ng Asean at iba pang dialogue partner nito.
Sa kasalukuyang summit ng 10 bansang Asean na may temang "pagtungo sa Asean Community, mula ekspektasyon hanggang aksyon", pinagtibay ang isang serye ng plano sa aksyon para maisakatuparan ang target ng pagtatatag ng Asean Community sa taong 2015. Pero humahamon pa rin sa proseso ng integrasyon ang isyu ng di-magkabalanseng pag-unlad ng iba't ibang bansang Asean.
Sinariwa sa summit ng mga lider ng iba't ibang bansang Asean ang natamong bagong progreso ng integrasyon ng Asean at ginawa ang plano sa 3 aspektong kinabibilangan ng pagtatatag ng Asean Economic Community, Political and Security Community at Social and Cultural Community. Pinagtibay ng mga kalahok na lider ang mga dokumento na gaya ng Master Plan on Asean Connectivity, ang pagpapatupad ng naturang mga dokumento ay magkakaloob ng garantiya para sa pagtatatag ng Asean Community ayon sa nakatakdang iskedyul.
Maliban sa summit sa loob ng Asean, idinaos naman ang summit ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea o 10+3, summit ng Silangang Asya at magkakahiwalay na nakipagpulong ang Asean sa mga bansang gaya ng Tsina, Hapon, Timog Korea, India, Australia, New Zealand at Rusya.
Mabungang mabunga ang summit ng Asean at Tsina. Nilagdaan ng mga lider ng kapuwa panig ang magkasanib na pahayag hinggil sa sustenableng pag-unlad at ipinatalastas ang 13 hakbangin sa pagpapalalim ng kanilang kooperasyon.
Nagpahayag si premyer Wen Jiabao ng Tsina ng kahandaang sa loob ng 5 taon, itatag ng Tsina, kasama ng bawat kasaping bansa ng Asean, ang isang sona ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan at pataasin ang halaga ng kalakalan nila ng Asean sa 500 bilyong dolyares sa taong 2015. Bukod dito, ipagkakaloob ng panig Tsino ang 17 milyong dolyares na pondo sa espesyal na pondo ng kooperasyong panrehiyon ng Asya para mapasulong ang kooperasyon ng rehiyon.
Datapuwa't natamo ng proseso ng integrasyon ng Asean ang takdang progreso, kung nais maisakatuparan ang target ng integrasyon sa taong 2015, kailangan pa ang malaking pagsisikap.
Unang una, dapat paliitin ang agwat ng pag-unlad sa pagitan ng iba't ibang bansang Asean at sa pamamagitan ng pagpapabilis ng kooperasyon ng sub-region, pagsasagawa ng kooperasyon sa teknolohiya at iba pang paraan, tulungan ang Biyetnam, Laos, Kambodya at Myanmar, 4 na bansang huling sumapi sa Asean, para makihalubilo sa proseso ng integrasyon ng Asean sa lalong madaling panahon at maabot ang pangkalahatang hakbang ng pag-unlad ng Asean.
Ika-2, kinakailangan ng Master Plan on Asean Connectivity ang pangingilak ng maraming pondo para sa konstruksyon ng impraestruktura na gaya ng landas at tulay. Kahit isinasagawa ng Asean ang multilateral na pangingilak ng pondo, hindi natitiyak pa kung matutupad o hindi ang naturang mga pondo ayon sa iskedyul. Pagkaraang isakatuparan ang pagkakadugtong ng mga bansang Asean, hahadlang sa integrasyon ang mga iba pang elementong gaya ng agwat sa sistemang pulitikal, sistemang panlipunan, kulturang panlahi, patakarang panseguridad at iba pa sa pagitan ng mga bansang Asean.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |