|
||||||||
|
||
May naganap na grabeng stampede kagabi sa Koh Pich Island (or Diamond Island) bridge sa Phnom Penh ng Cambodia. Dahil dito, halos apat na raang tao ang namatay at mahigit pitong daan ang nasaktan. Tinatayang tataas pa ang bilang ng kasuwalti. Sa kanyang TV speech kaninang madaling araw, ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia ang kanyang kalungkutan sa mga namatay at pakikidalamhati sa kanilang mga kamag-anakan, at ipinatalastas din niyang samakalawa ay magiging pambansang araw ng pagluluksa.
Kahapon ang huling araw ng tatlong-araw na tradisyonal na water festival celebration ng Cambodia. Mahigit 3 milyong mamamayan mula sa apat na sulok ng bansa ang nagtipun-tipon sa Phnom Penh para manood ng mga aktibidad ng pagdiriwang na idinaos sa iba't ibang lugar ng kabisera ng bansa. Mga alas 11:00 kagabi, dahil sa dami ng mga turista, nagsimulang umugoy ang isang tulay sa Diamond Island sa Phnom Penh, bagay na naging sanhi ng pagkakagulo ng mga tao. Halos sandaang tao ang namatay sa pinangyarihan ng stampede samantalang meron ding mga tao na namatay sa ospital dahil sa tinamong grabeng sugat. Ayon sa mga opisyal na pangkalusugan ng Cambodia, ang karamihan sa mga biktima ay namatay sa pagkainis at internal injury. Inutusan din ng Punong Ministro ng Cambodia ang mga kaukulang kagawaran at panig ng bansa na gawin ang lahat ng magagawa para magamot ang mga sugatan at isagawa ng ganap na imbestigasyon sa trahediya. Aniya pa, batay sa inisyal na pagsususri, walang kaugnayan ang insidente sa aksyong teroristiko. Ayon naman sa mga media ng Cambodia, nabuo na ang lupong tagapag-imbestiga sa pangyayaring ito na pinamumunuan ng pangalawang punong ministro na si Sok An. Ang pangalawang punong ministo naman na si Sar Kheng ay nagsadya sa lugar ng pinangyarihan.
Napag-alamang mamamahala ang Pamahalaan ng Cambodia sa paghahatid sa bangkay ng mga namatay sa kani-kanilang lupang-tinubuan at nagplano ring mamahagi ng 5 milyong Riel o humigit-kumulang 1250 dolyares na pensyon sa mga kamag-anakan kada biktima samantalang ang mga nasugatan ay mabibigayan ng tig-1 milyon o 250 dolyares na pensyon.
Ang naganap na trahediya kagabi sa Phnom Penh ay isa sa mga pinakagrabeng stampede sa daigdig sa kasalukuyang taon. Pagpasok ng taong ito, 10 insidente ng stampede ang naganap sa buong mundo at maraming kasuwalti ang idinulot ng mga ito. Ang nasabing mga stampede ay naganap sa India, Mali, Uganda, Alemanya at Kenya. Kabilang dito, ang India ay nakaranas ng limang ganitong insidente.
Ang water festival ay isa sa mga pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Cambodia at nagpapakita ito ng pagtatapos ng tag-ulan at pagsisimula ng pangingisda. Bilang pagdiriwang at pagpapahayag sa pasasalamat sa yamang-tubig mula sa mga ilog at lawa, nagdaraos ang mga mamamayan ng makukulay na aktibidad na gaya ng dragon boat competition, pamamasay sa mga bapor ng parol, pagbibigay-galang sa Buwan at iba pa. Kabilang dito, ang paligsahan ng dragon boat sa Tonle Sap River ay ang pinakamaringal na selebrasyon. Sa taong ito, mahigit 22.2 libong mamamayan at mahigit 420 dragon boat mula sa buong Cambodia ang lumahok sa paligsahan. Napag-alamang upang mapanaliti ang kaasyusan ng mga selebrasyon, maraming itinalagang pulis sa mga lugar ng pagdarausan ng pagdiriwang.
salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |