Ayon sa ulat ng pahayagang Beijing Youth, ipinalabas kahapon ng Visa Incorporated ang resulta ng survey sa consumer consumption ng electronic commerce sa taong 2010. Ayon sa resultang ito, ang konsumpsyon sa internet per capita kada taon sa mainland ay 2557 dolyares na lumampas ng karaniwang lebel sa rehiyong Asiya-Pasipiko.
Ang naturang imbestigasyon ay may kinalaman sa 6 na mabilis na pamilihang mabilis na umuunlad sa electronic commerce, ito ay mga: mainlad ng Tsina, Taiwan ng Tsina, India, Indonesiya, Malaysia at Thailand. Hilig ng mga consumers ng naturang mga bansa at rehiyon na bumili ng bagay sa internet. Ipinahayag ng 87% interviewees na nitong nakaraang isang taon, bumili sila ng produkto o serbisyo sa internet.
Salin:Sarah